BARKADAHAN
Kulitan, asaran, pagmamahalan, pagtutulungan
Ilan lamang yan
Sa mga deskripsiyon
Sa isang samahan
Ngunit sa sobrang asaran
Minsan nagkakatampuhan at nagkakapikunan
Iba't iba man ang tawagan
Iisa naman ang ibig sabihin
Inosenteng grupo
Binubuo ng ilang miyembro
Na karamihan alam ay puro biro
Ngunit may pangarap na nais matamo
Kapag usapan ay pagsusulit
Diskarte ang ginagamit
Kahit pinaghihiwalay ng pilit
Plano ay ginigiit ng pilit
Upang sa ganon
Ay sabay makakamit ang mga mithiin
Na nais makamit ng mga magbabarkada
Barkadahan, sampung letra pero sobrang halaga